Ang buhay, ika nga nila, ay parang gulong. Ito ay umiikot, dahil ganyan daw ang life. Umiikot ng umiikot, buti na lang hindi lahat ng tao nahihilo yung mga lasing lang. Ito’y may sequence sabi nila, pataas pababa, pataas pababa, paulit-ulit hanggang sa lalabas ang mga bagay-bagay na kumakatawan sa kabuuan ng buhay. Ganito daw talaga ang buhay, simula’t sapul pa ang daigdig, noong kapanahunan pa ng lolo ng aking lolo sa lola ko sa tuhod na ina ng ama ng lolo ko sa father side ay ganito na daw talaga. Wala na daw pinagbago, nasa ilalim ka ngayon, bukas makalawa, o kaya ikatlo o ikaapat, pag naabot mo pa, nasa taas ka naman. Kaso nga lang, hindi naman nila sinasabi kung meron o walang napupunta sa sides ng circle of life na ito. Kasi ang pagkakalam ko, ang gulong ay hindi lang taas at baba, may mga different positions din but then, as people would say, taas at baba lang daw. Medyo iba yung dating ng ganitong pag-iisip pero that’s the conventional way of thinking naman eh. We cannot do otherwise than to be swayed by it.
Pero iba din yung naiiba sa iba di ba? Ang akin lang naman, sa aking pagmumuni-muni, sumagi sa isip ko na kung ang buhay ay taas at baba lang, malamang hindi bagay ang bola, mas bagay ang see-saw na sabihin. Minsan nasa baba, tapos minsan nasa taas, at pag umiyak ka na dahil hindi ka na nila pinapababa, that’s the time na tatawanan ka na nila at ibababa. Kaya ang buhay, hindi parang gulong, kundi parang see-saw.
Heto pa ang mga dahilan kung bakit may dahilan sa kadahilanang ang buhay ay parang see-saw. Pag sinabi nating parang gulong, anu na lang ang ipapait pag pudpud na yung goma? Paano pag nakaapak ng tae? Paano pag flat na, paano pag na-otso na, paano pag nawalan ng interior o kaya exterior? Paano pag… paano… paano… paano… paan… paan… paa… paa… paa… mas mabuti pang paa na lang hindi na gulong para hindi ma-flat, ma-otso o kaya ma-siete. Yan ang buhay… parang life na biag…
~~o0o~~
Dumako tayo sa mundo ng mga semi-santo, sa misteriosong buhay ng mga seminarista. Ating hahalungkatin ang kanilang mga ginagawa, pinapagawa, at malay kung ginagawa nila. Sa palagay ng marami, ang mga seminarista ay santo, basta seminarista harmless, basta seminarista maingat, basta seminarista loving and lovable, basta seminarista, matalino, gwapo, magaling sa mga bagay-bagay sa mundo. Basta seminarista, ganito ganito ganito… almost all are positive, pag may negative man, may karugtong na palusot. Bakit si “brother” hindi nia alam labhan yung brief nia? Ayun tuloy noong isinampay nia, may yellowish particle sa gitna… ay siguro kc dasal siya ng dasal… mayroon at mayroon ding mga palusot na tulad ng ganito.
Wow! Anak ng talaba naming sitwasyon to. Pero that’s life, parang buhay… weather weather lang yan. Pero wala akong sinabing mali ang mga sinasabi nila about seminarista. Tama lahat mga yun, hindi ko kinokontra, hindi ko linalabanan ang mga taong napipilitang magsabing seminarista ay gwapo, seminarista ay matalino, seminarista ay santo-santito, seminarista ay maingat, harmless, skinless, boneless, payless… lahat na ng less, less, less.
Ganito ba talaga ang mga seminarista? Of course, with a big Y and a big E and a big S, yes yes yow!!! Alter Christus, another Christ, isang Kristo sa modernong panahon… kaya moderno na rin sila, may mga cell-phones, kahit may mga benefactors, may mga MP4, discman, laptops, desktops, digital camera 1 gig memory, ayan ang gamit ng modern Christ o seminarista sa bagong panahon.
Pero hindi naman all the time na alter christus ang mga to eh, may mga time din na anti-christ sila, don’t get me wrong, anti-christ ay hindi yung linalabanan nila ang doktrina ng simbahan, what I mean is, hindi nila isinasabuhay ang dapat nilang isabuhay na buhay ng seminaristang nabubuhay na tulad nila. Kasi nga, may mga kalukohan din sila, may mga kabulastugan din sila, may mga kapraningan din sila. Hindi lang masyadong napapansin dahil tulad ng sabi ng mga tao, magaling- ayan, nakikita na ang kagalingan ng seminarista- sa pagtatago ng mga dapat itago. Kung mabubuko naman, wow, mas lalong magaling, dahil lalabas at lalabas ang mga philosophical idealisms nila kasama ng mga theological illogical reasons nila. Tulad na lang ng seminaristang late sa isang program, nang tanungin ni Father kung bakit siya late, sabi nia, “Father, hindi po ako late, maaga lang kayong nag-umpisa” astig na reason di ba? Batukan ko sana kaso mas matangkad siya eh.
Minsan, tatlong seminarista ang nasa shower room nang biglang magbell yung Angelus bell. Sabi ng isa na bilisan na nila…(anu kaya yung bilisan nila?) sabi naman nung isa, haayan mo na ang angelus, ditto na muna tayo… ehem iba yata yun ah…
May mga seminarista na magaling matulog kahit sa klase. Nakayuko lang, akala mo nagbabasa, o kaya nag-iisip, pero maya’t maya, hihilik na lang yan o kaya, malalaglag na lang ang web ni spider man… yung malagkit na galing sa bunganga nia… ay laway pala.
Sa mga bagay bagay na ito , it goes back to childhood. Wow, psychotic ang dating… ay hindi pala, psychological pala… tulad na lang sa akin. Dahil bata pa lang ako noon, wala na akong hinahawakang pera kasi ibinubulsa ko kaya hindi ko hinahawakan kaya hanggang ngayon hindi ko pa alam humawak o mag-handle ng pera. Kasi noong bata pa ako, wala kaming kapera-pera kaya tinanong ako ng nanay ko kung gusto kong magtrabaho para magkapera ako.
Aba, of course, jab the opportunity kako. (ngayon ko lang nalaman, grab the opportunity pala). Imagine, a 6-year-old may work na? san ka pa?sabi ng nanay ko, doon lang daw ako sa post office magtrabaho. Simple lang naman kasi eh, kung may magme-mail ng sulat nila, tongue’s out lang ako para ilalapat lang nila yung tip ng sobre sa dila ko para yung laway ko ang babasa sa binabasang part ng sobre bago nila ito isara. Kaya ngayon, gasgas na dila ko ubos na ata yung taste buds kasi wala na akong taste, buds na lang ata. Pero atleast pera ko yung kinita ko dun.
Ngayong medyo malaki na ako, alam ko na kung papaano humawak ng pera, yun bang hahawakan ko lang yung hindi ko pera? Ganun yun, kaya dito sa seminaryo, ako ang tagahawak ng pera ng kung sinong Pontio Pilatong may pera. Pero wala namang problema sa ganung mga bagay eh, hawakan ko lang, pag nahawakan ko na, ibabalik ko rin agad, mahirap na baka mawala, wala pa naman akong pambayad.
May isa ring pangyayari na maganda. Isang katatapos ng misa, may isang ilaw na kukurapkurap sa may corridor. Ang akala naming ng kasama ko, yung pinakamalapit na switch ang switch off nun. Nagpakabayani naman yung isang yun, kaya pinindot niya agad yung switch at bigla bigla nayanig ang seminaryo sa lakas ng tunog ng buzzer. Kamalas naman, switch pala ng buzzer yun kayat ang nagpakabayani, naging disturbo tuloy sa mga seminarista na natutulog pa kahit tapos na ang misa.
Pero bago ang pangyayaring yun, sa misa pa lang napapautot na ako ng tawa eh. Kamalas nung taong nasa likod ko dahil noong napautot ako, sakto-saktong humikab siya kaya sinarili niya yung amoy, selfish din kung minsan yung taong yun kasi eh. Pero sa palagay ko, tama yung ginwa nia. Instead na tatakpan niya ang ilong niya, sarilihin na lang niya lahat para wala nang midamay pa. kasi pag tatakpan pa niya ang ilong nia, kakalat pa yung amoy at madidistract pa yung iba samantalang sa pagsarili nia, mabilis na nawala yung amoy kaya parang walang umutot, normal lang. pero bakit nga ba ako napautot that time? ikaw din kaya ang makakita ng seminaristang natutulog at biglang natumba habang may misa. Ang matindi pa dun, nung gisingin nila, sabihin ba namang, “WHY?” why mo mukha mo, buti nga ginising ka pa nila.
Noong minor seminarian pa lang ako, naranasan ko rin ang nagpaseksi. Imagine na wala akong damit pang-itaas na pumupunta sa chapel, sa dining hall at sa basketball court? Hindi naman sa mainit kaso nga lang, punishment ko yun. Kasi, ang required pala sa amin na uniform ay white T-shirt pero ang isinuot ko naman ay red n T-shirt na may malaking tatak na WHITE sa gitna nun. Akala ko pwede kaso hindi pala. Maraming namamatay sa maling akala, buti na lang hindi ako namatay, mali lang talaga yung akala ko, akala nga lang talaga.
Marami talagang mga bagay bagay at hayop hayop ang itinatago ng mga seminarista. Pero bukas makalawa, o kaya sa ikatlo pa, mabubuko din ang mga ito. Tulad noong minsang, malapit na yung time namin for prayers at hindi pa kami nakakaligo ng eng-eng na kasama ko. Binilisan naming pumunta sa bathroom para maligo. Inopen niya bigla yung pintuan ng isang bathroom. Napatili yung isang seminarista na katatapos lang maligo dahil nakita na namin ang kanyang kabuuan pati ang lihim niyang pilit niyang tinatago, yun pala, may bukol ang pwet nia at may balat (birthmark) siya na parang manok na texas sa kaliwang hita. Nagmakaawa siyang huwag naming ipagkakalat at nagpromise siyang ililibre niya kami ng 1 month. Wow, God works in mysterious ways talaga, hindi ba?
Matinik din sa chicks ang mga seminarista pero maingat sila. Kasi minsang pumunta kami sa plaza maestro sa Vigan, my tumambay na seminarista sa harap ng chowking at pure blue ang suot niya. Sa my side kasi ng chowking ay jollibee at kita from his position na may hinihintay siya. Bigla biglang may babaeng naka-pure red, damit red, lips niya red, miniskirt niya red, shoes nia red, pati mukha nia red na red din at tumambay naman ito sa harap ng jollibee na parang may hinihintay. Lumipas ang kinse minutos lumapit yung babae sa seminarista. Siguro magtatanong lang ata pero hindi na binigyan ng seminarista ng pagkakataon yung babae dahil pagkalapit ng babae sa kanya, agad siyang nagsalita, “hindi ako naka-red”. Nabigla tuloy yung babae pero umalis din. Paano kasi, the girl in red has the face that only a mother could love.
Matalino din ang mga seminarista. Pero minsan nga lang, pabaluktot ang pagsagot nila. Minsan natanong yung isang seminarista about his favorites and hobbies, sagutin ba naman nia, wala daw siya hobby sa mga paborito nia. Yung isa namang eng-eng, nakikichat sa yahoo messenger, tinanong ang age/sex/location, at isinagot nia, age-22, sex- no experience, still a virgin, location- don’t know where to do it properly. Samantalang kaya nilang bumuo ng sarili nilang definitions pero may kaunting kalibugan nga lang. BRA is a device invented and being used for the upliftment for the downfallen ones. Pero lahat ba ng gumagamit ay down fallen na? Isa pa, virginity defined… the state of being a virgin or untouched- but willing to be touched. Kaya yung mga santo daw na may tatak na virgin and martyr, virgin daw sila sa harap, martyr sa likod… paano yun?
Magaling din sila. Magaling manligaw at magaling magpalusot. Isang seminarista, hindi ko na babanggitin ang pangalan nia, baka kilala ng marami, at for privacy’s sake, ay natiklo ng gf niya na may iba siyang ka-date sa Baguio. Noong nagkita sila the next dating season, parang magsisimula na ata ang World War III. Pero kalmado lang siya, hinayaan niyang maubos ang mga bala ng machine gun na bunganga ng gf nia (na isa). Nang matapos yun, sumunod na bumaba yung mga empty shells of tears. Wala pa ring siyang sinabi kahit ang dami nang nasabi ng gf niya (na isa). Hinalikan lang niya ang gf nia sabay sabi, tahan, na, hindi ko yun date, nagpasama lang, at pag hindi ka pa huminto, papatayin na kita. Ayun, bigla huminto ang drama, kasi sino ba naman ang gusting mamatay?
Ganyan kaingat ang mga taong to eh, maingat na hindi matiklo ang mga kabulastugan, maingat na hindi matiklo ang kalukohan, maingat na hindi makabuntis, maingat na hindi maungkat ang lahat ng ito. Kasi nga, harmless sila, they actually harm, but less nga lang.
Resourcefulness ang isa sa mga bagay na hindi nawawala sa amin. Kaya naming makagawa ng magandang bagay mula sa mas magandang gamit. Masasabi ko ito dahil minsan nagkita kami ng ex ko pero by that time, dalawa pa kami. Kasama ko din ang mga seminarista.katatapos lang naming kumain sa mcdo sa session road nang magkita kami. Habang, papaitaas kami ng session, sabi ng mga kasama ko, “kuya, Jollibee lang kami” nabigla agad yung girlfriend ko (ex ko na po) hindi dahil sa greenwhich sila pumasok kundi dahil katatapos lang nilang mag Mcdo. In the seminary jargon, jollibee means CR kasi walang public CR sa session. Jollibee means CR, gameboy means cellphone, MP4 means simcard, foodstuff means load, Fogs means chicks, Lapis means yosi, kaya pag sinabing, “fogs 3:00 o’clock, ibig sabihin, may chicks sa left side ng nagsabi.
Ganito ang buhay seminarista. May mga up’s and down’s, may mga masasaya at malulungkot, may meaningful, may meaningless. Ang naipakita lang ay ang mga kabulastugan ng mga seminarista, ang mga kalukuhan ng mga seminarista, pero tulad nga ng sinabi nila, these are just but icings on the cake. Pampasarap ng buhay sa loob ng seminaryo dahil kung hindi masarap, tiyak walang gugustong magseminarista. Tulad din ng cake, naranasan nio na bang kumain ng cake? Di ba hindi naglalasang ice cream? Pag walang icing ang cake, hindi masyadong masarap. Pero, ang mga kalukuhang ito ang nagtutulak sa mga seminarista upang sila’y madapa sa pagkapari, at buhat sa mga karanasan nila sa loob ng seminaryo, doon sila magiging magaling sa pagkapari dahil tiyak hindi sila magmamadre, dahil personal experience brings out the best in every seminarian. At dahil doon, mas epektibo sila later on sa buhay ng pagkapari (kung hindi man pagka-pare).

No comments:
Post a Comment